Friday, July 11, 2014

Ipinamanang trahedya

Ang pelikulang A Walk To Remember na ipinalabas noong 2002 na dinirekta ni Adam Shankman, na binase sa isa sa mga nobela ni Nicholas Sparks, ay isang repleksyon ng realidad noong dekada singkwenta pati rin sa modernong panahon. Sa pelikulang ito, ang isa sa mga pabalik-balik na problema sa lipunan ay ang problemang idinudulot ng cancer na hanggang ngayon, ito ay isang problema na hindi parin nalulutas nang tuluyan kahit ginagawang makabago na ang medisina.

                          

        Base sa nicholassparks.com, ang tagapag-udyok ng paglikha o ang pinaghugutan nang inspirasyon ni Nicholas Sparks ay ang kanyang babaeng kapatid na ginawang basehan ng karakter at storya ni Jamie Sullivan sa nobela at pelikula. Pero hindi naman saktong kapareho ang lahat nang detalye ng kwento ay kinopya galing sa totoong storya ng kapatid ni Nicholas Sparks.

        Sa pelikulang A Walk To Remember, ipinakita dito ang mga nagagawa nang pagmamahal sa isang tao. Mula noong nahulog si Landon Carter para kay Jamie, nagsimula siyang magbago bilang isang tao at dinirekta niya ang kanyang buhay patungo sa mas magandang buhay para kay Jamie. Ito rin ay binase sa kwento ng babaeng kapatid ni Nicholas Sparks at ang asawa niya.

                         

        Si Hippocrates ay isa sa mga unang nakadiskobre nang cancer noong sinaunang panahon, at mula noon hanggang ngayon, maraming doctor ang sumubok na makahanap nang solusyon para dito at ang karamihan nang mga tao na may cancer ay naghihirap pa rin na maging ligtas sa cancer kahit sa dami nang pera at pagsisikap na ginagawa nang mga tao. Ipinapakita nito na sa noon hanggang sa kasalukuyan, kakaunti pa lamang ang magagawa natin para sa ating mga minamahal na nakakakuha nang cancer.

        Napakaraming tao ang makakaramdam nang parehong klaseng hugot na ipinakita nang storya mula sa kultura at sosyolohiya sa loob ng eskwelahan hanggang sa tiwala sa Diyos. Ang lahat nang mga ito ay mga isyu na ipinamana nang tradisyon at kasaysayan. Pero hindi lahat ay nasolusyonan na sa modernong panahon at hinihintay pang maayos nang lipunan.

Sunday, May 16, 2010